Isa sa mga lumalala
at napakahirap lutasin na problema ng bansa ay ang korupsyon. Ito na ata ang
sakit ng lipunan na walang lunas. Isa
ito sa napakaraniwang salita na naririnig natin sa bawat sulok ng mundo, sa
lugar ng buhay at sa lahat ng tao sa daigdig.
Kapag
narinig natin ang salitang korupsyon, pulitika agad ang naiisip natin. Mga
pulitiko agad ang mga naiisip nating bida sa mga ganito. Pero sa totoo hindi
lang sila ang sangkot dito. Sa inyong tahanan, paaralan, at opisina talagang
nabubuhay ang korupsyon. Pagnanakaw ng isang piso ng barya sa bulsa ng iyong
ama, pagdaraya sa iyong guro sa panahon ng pagsusulit at hindi paggawa ng iyong
mga responsibilidad ng mabuti sa iyong opisina ngunit kumikita ka parin ng kumpletong
suweldo ay ang mga napaka-karaniwang halimbawa.
Ngunit bakit
ang tao ay nasasangkot sa korupsyon? Iilan sa maraming dahilan ay dahil ito ay
paraan upang makuha o makamit ang kanilang ninanais, magkaroon ng desenteng buhay,
at ang kasakiman sa pera at posisyon. Ngunit hindi ba nila nalalaman na dahil
sa ginawa nila may nagdudusa. Nagiging masaya nga sila, pero may nasasaktan at
nalulungkot din. Maraming mga tao ay labis na naghihirap ngunit ang mga
namumuno sa pulitika ay nagpapakasaya sa pinto ng mundo ng kasiyahan at
kapangyarihan. Pagiging makasarili ang ugat ng lahat na ito.
Ang
korupsyon ay nabubuhay nuon, nabubuhay ngayon at maaaring magpatuloy sa susunod na panahon kung tayong
mga nasa bagong henerasyon ay hindi gagawa ng paraan upang masugpo ito. Sabi
nga ni Dr. Jose Rizal na ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan, kung hindi naggawa
ng mga naunang henerasyon ito dapat na natin simulan ngayon. Maghihintay pa ba
tayo sa kataas-taasan na sila mismo ang hindi tumutupad? Gumawa na tayo ng
aksyon at labanan ang korupsyon.
No comments:
Post a Comment