Bawat isa sa atin ay may daanan
Patungo sa kanya-kanyang kapalaran
Maraming di magagandang kalagayan
Na marami ay sadyang nahihirapan
Ang buhay ay maraming kabiguan
Mga bagay na mahirap maintindihan
Harapin natin ng buong katapangan
Upang makamit ating kaligayahan
Diyos ko, sana kami ay patnubayan
Sana’y ilayo kami sa kasalanan
Umaasa matamo ang kaharian
At ika’y makapiling ng walang hanggan
[ Ginawa ko to para sa takdang-aralin namin sa Filipino. Ang gumawa ng isang tula na may kaugnay sa tulang Panambitan na sinalin ni Ma. Lilia F. Realubit at orihinal na ginawa ni Myrna Prado. Ito ay may labin-dalawang pantig at may tugmaang A-A-A-A ]
No comments:
Post a Comment