Friday, August 10, 2012

High school Love


            Sa mga panahon ngayon, marami na ang mga mag-aaral na nasa High School  ang nagkakaroon na ng crushes at pumapasok na sa relasyon. Marami ding mga magulang ang kumukontra dito. Kahit crush lang yan hindi talaga sumasang-ayon ang ating mga magulang lalaong-lalo na kapag relasyon ang pinag-uusapan. Tanong ng nakararaming estudyante, “bakit? Crush lang naman yan eh o love lang nama yan eh”. Para sa atin kasi ang babaw lang ng mga yan ngunit para sa ating mga magulang, buhay at kinabukasan ang tinataya.
            Tingnan mo ang ibang mag-aaral na may ka relasyon, bumababa ang grades at sa mga kabataan sa lipunan maraming nabubuntis ng maaga, may tinatawag tayong mga inang hindi asawa at parami ng parami ang mahihirap. At iilan sa ating mga magulang natin ay nakaranas ng mga yun kung kaya ganun sila mag-react kasi ayaw nilang maghirap din tayo.
            Ngunit, yun lang naman ay mangyayari kapag naglalakad tayo patungo sa kinabukasan gamit ang maling paraan. Hindi sa lahat ng panahon nakakasama sa buhay o kinabukasan ang high school love. Hindi sa lahat ng panahon ganun ang nangyayari sa mga kabataan.
            May mga mag-aaral din naman na kahit may ka-relasyon, matataas ang grades at may magandang buhay. Kapag ikaw ay nasa isang relasyon at high school ka pa lang, may mga bagay talaga na dapat mong tandaan at gawin. Kapag alam mong may magandang patutunguhan ang relasyon niyo kasama ang ka-relasyon natin magiging maganda ang resulta. Dapat lang kapag nasa classroom tayo iwan natin talaga ang buhay love life sa pinto ng classroom para makapag-focus tayo, lalong-lalo na kapag may problema. Wag natin isiping distraction ang love life, maging optimistic tayo at gawin nating inspirasyon ang love life natin. Dapat isipin natin ang para sa kinabukasan natin, na dapat mas mag-aral ng mabuti para hindi maghirap sa pagdating ng panahon. At higit sa lahat, manalangin tayo sa Panginoon na patnubayan tayo na magiging maganda ang patutunguhan ng relasyon at patnubayan tayo sa lahat ng disisyon na ginagawa natin.
            Kapag alam mong hindi mo kayang hawakan ang buhay mag-aaral kasama ang love life, wag ka nalang pumasok. Mas nakabubuti pa sayo na mag focus lang muna sa pag-aaral at sundin ang sinasabi ng mga magulang mo.

No comments:

Post a Comment