Friday, August 8, 2014

KABATAANG AGLIPAYANO

By Marjun Moreno

Noon at ngayon tila walang pagbabago
Dalita ay laganap pa rin sa bayan ko
Panaghoy at hibik sa guho ay namumuo
Marahas na kinitil ang liwanag ni kristo
  
Mga mangagawa samakina’y itinali
Hibla ng tubig alat sa mangingisda’y bumigti
Tipak na lupain sa magsasaka’y binawi
Kapayapaan at hustiya sa masang nasawi

Koro 1:
Tayo na kabataang aglipayano
Hawiin ang dilim at dalitang kalagayan
Lakas ay pag-isahin, ipaglas, isigaw!
Ipakita ang mukha ng maskarang kasaysayan

Koro 2:
Tayo na Kabataang Aglipayano
Suungin ang hamon,
Landasin ang kalayaan
lakas ay pag-isahin, ipiglas, isigaw!
Iguho ang moog ng maskarang kasaysayan

Darating ang liwanag sa bayan nating aba
Mapapawi ang lambong ng kahirapa’t dusa
Kasaganaan, kalayaan ang matatamasa
Kasama ang simbahan ng mga masa.


( Koro 1)
NAIS KONG AWITIN

Nais kong awitin nang aking maipagbunyi
Aking luwalhatiin ngalan mong banal.

1.    Handa nang magpuri sa iyo poong hesus, Nais kong papurihan ang ‘yong pagliligtas.
2.    Dahil sa dakila ang iyong mga gawa, 
 sa langit at sa lupa, ika’y sinasamba. 
3.    Walang hanggang pag-ibig,sa ami’y di kinait, Kagalakan sa pag giliw ang siyang inaawit.


Kahit di malinaw 'yong patutunghan
Kahit di matanaw ang kinabukasan
Huwag mangamba, lagi kitang pangungunahan
Magtiwala, Ako'y sundan

Lahat ng takot mo'y aking naranasan
Lahat ng hirap mo'y aking naraanan
Kailan ako di naasahan?
Kailan kita pinabayaan?
Magtiwala, Ako'y sundan

Huwag mangamba, huwag mabalisa,
huwag mabahala
Sa ligalig, hindi kita padadakma
Manalig ka, magtiwala at mapayapa
Pag-ibig Kong kalasag mo'y sapat na

Kahit di malinaw aking kalooban
O makitid ang pinatatahak kong daan
Asahan mong kapayapaa'y matatamo sa hantungan
Magtiwala, Ako'y sundan

Huwag mangamba, huwag mabalisa,
huwag mabahala
Sa ligalig, hindi kita padadakma
Manalig ka, magtiwala at mapayapa
Pag-ibig Kong kalasag mo'y sapat na (2x)